Nang malaman ng isa kong dating co-teacher na nagsusulat ako ng mga ghost stories, naisipan niyang i-share sa akin ang ghost experience na ring maituturin Noon niya inamin sa akin na ang asawa niya ay isang “seer” o nagtataglay ng third eye.
Saglit ko siyang hiningan ng kaunting interview tungkol sa kanyang asawa. Nalaman ko na maraming future events na pangkaraniwan at mayroon ding “significant” ang nakikita ng asawa niya. Bukod dito, totoo daw na nakakakita ng “spirit” ang kanyang asawa. Mga kaluluwang gala sa paligid na marahil daw ay hindi matahimik.
May usapan na nga daw silang mag-asawa. Na sa sandaling may makitang nakakatakot ang asawa ay makabubuting ilihim na lang iyon sa kanya.Likas kasi siyang matatakutin. Ngunit kung ang pangyayaring nakikita nito ay isang babala para mag-ingat, iyon daw ang dapat nitong ipaalam sa kinauukulan.
Iyon eksakto ang kuwentong ibinahagi niya sa akin. Isang officemate daw ng kanyang asawa ang nakatakdang ikasal.Excited to the max na ang officemate ng asawa niya sa pagdating ng araw ng kasal nila.
One time, sadyang kinorner ng asawa niya ang officemate. “Malapit na ‘no?”
“Oo nga, Pare. ‘Wag kayong mawawala ng asawa mo ha.”
“Oo naman siyempre. Matanong ko lang…kailan mo ba planong mag-leave sa trabaho, Pare?”
“Ang totoo walang plan na magli-leave ako. Ayos na naman ang lahat, e. Matagal na kasi namin itong pinaghandaan. Alam mo ‘yon, Pare, ‘di ba?”
“E, si Cindy?”
“A week before magli-leave na raw siya. Ayaw nga ding mag-leave sana. Sabi ko nang makapag-beauty rest naman siya. Tama ko do’n, ‘di ba?” Natawa pa ito.
“Pare, payong kapatid lang ‘to ha. Sabayan mo na si Cindy… a week before mag-leave ka na rin. Pahinga ka na lang sa bahay.”
Napatitig ito sa kaibigan. Lantad sa ilang kasamahan nito ang kakaibang kapasidad na makakita ng mga bagay at pangyayari. 0 ang pagkakaroon nito ng third eye.
“Bakit, Pare…may problema ba? Or…shall I say may magiging problema ba? May nakikita ba ang iyong…third eye, gano’n?”
Isa ito sa nakakaalam ng katangiang iyon ng kaopisina.
“Wala, Pare. Suggestion ko lang ‘yon.”
“C’mon, ‘Tol. Aminin mo na.. .ano talaga ang totoo?”
“Wala nga, e. Para lang din maging relax ka sa araw ng kasal mo, ayaw mo ba ng gano’n?”
Ngunit sadyang hindi binili nito ang alibi ng kaibigan.
“C’mon tell me the truth. Ano’ng nakikita talaga ng third eye mo? Sabihin mo na, Pare.”
“Hindi ka naman naniniwala, ‘di ba?”
Totoo iyon. Kahit alam nitong nagtataglay ng third eye ang kaibigan ay hindi ito bilib sa ganoong bagay.
Nagkibit-balikat ito.
“Okay lang. Ano ba’ yon?”
“Are you sure gusto mo talagang malaman?”
Napangiti ito.
“See? Tama nga ako…may nakikita ang sabi mo’y third eye mo. Now tell me ano nga ba yun?.”
“Pare, hindi mo magugustuhan ang maririnig mo.”
“So be it.”
“Hindi matutuloy ang kasal mo.”
Mabilis tumaas ang isang kilay nito. “Talaga? But why?”
“Pare…”
“Tell me.. .gusto kong malaman.”
“Dahil mamamatay ka.”
Saglit itong hindi nakaimik. Pagkuwa’y tumawa ito. Hungkag na tawa.
“Don’t get me wrong, Pare. Nirerespeto ko ang.. .pero sorry, hindi kasi ako naniniwala sa third eye thing, e.”
“Just the same.. .mag-ingat ka pa rin.”
Iyon ang una at huling babala na ibinigay nito sa kaibigang nakatakdang ikasal. Isang gabi ay nabanggit ito ng lalaki sa asawa.
“Pero bakit mo sinabi sa kanya ang totoong dahilan? Alam mo namang hindi siya naniniwala do’n, ‘di ba?”
“Pinilit niya ‘ko, e.”
“Sana hindi ‘yung totoo ang sinabi mo. Alam mo namang…”
“Parang balewala naman sa kanya, e. Kasi nga hindi siya naniniwala. Ang sa ‘kin lang naman gusto ko siyang bigyan ng warning para mag-ingat siya. Siyempre ang Diyos pa din ang makapangyarihan sa lahat. Ipagdasal na lang natin siya.”
“Hon, sabihin mo nga sa akin.. .ano ang eksaktong nakikita mo? Paano siya…”
“Nagtatanong ka na naman ng ganyan tapos matatakot ka.”
“Hindi. Paano mangyayari ‘yon? I mean ‘yung…”
“Car accident. Dead on the spot.”
Nangilabot ang asawa sa narinig.
Four days bago ang nakatakdang araw ng kasal ng officemate nito, sumabog ang balita sa opisina isang umaga. Naaksidente nga ang officemate nito. Dead on the spot.
Ayon sa police investigation, na lumabas a few hours pagkatapos ng aksidente, sumalpok ang minamanehong kotse ng officemate niya sa isang van na may lamang construction steel. Isang bakal ang tumusok sa gawing dibdib nito. Hindi na nadala pa sa hospital ang biktima at agad ding binawian ng buhay.
Totoo man o hindi ang nakikita ng third eye, walang mawawala kung gagawin ang hinihinging pag-iingat.